Seven Flowers For You (Filipino)

Chapter 18: THE OFFER



Time check: 5:00 p.m.

Walang masyadong customers sa flower shop kaya ang ginawa ng dalaga ay nilaru-laro na lang niya ang Waling-waling na bulaklak na nakadisplay sa harap ng flower shop.

"How did this business even survived? I mean, for the whole day…I only got three customers. Shooks!" she murmured.

Without noticing, napalakas ata ang pagpitik niya sa bulaklak kaya nakalbo ito bigla.

Napatakip siya sa kanyang bibig at lumingon-lingon. Mabuti na lang at wala doon ang binata kaya agad siyang kumuha ng scotch tape para subukang idikit ang naputol na ulo nito.

"Kiara….you're so stupid talaga" mahina niyang sabi.

After 15 minutes, biglang bumukas ang pinto't pumasok ang kanyang amo.

"I ordered some food, let's eat" sambit ng binata habang dala ang pagkain.

"No…I'm not gonna eat that" bulong niya sa kanyang isipan.

Ngunit agad iyong nagbago nang malanghap niya bigla ang nakakagutom na amoy ng fried chicken. Kumukulo na rin kasi ang kanyang tiyan sa gutom dahil kanina pa siyang umaga hindi kumakain. 

"Nagorder din ako ng fried green tomatoes and potato salad para medyo healthy" sabi ng binata habang kinakapa ang laman ng plastic.

"Shooks....Mukha naman siyang masarap" nasabi nito habang nakatingin na sa mga pagkain sa harapan niya.

"Dinagdagan ko na rin ng creamed corn para complete ang side dishes nang fried chicken natin" sabi ng binata habang nakangiti sa kanya.

"Anong meroon sir, birthday mo ba?" natanong ng dalaga sa binata.

"Hmm..wala lang, gusto lang kitang i-treat because of your hardwork kanina." tanging sabi ng binata.

Napaisip ang dalaga, pilit inaalala kung anong "hard work" ang tinutukoy nito. Sa pagkakaalam niya, nakaupo lang naman siya maghapon sa shop at walang espesyal na nagawa.

"O_okay?" sagot niya, medyo nag-aalangan ngunit sumang-ayon na lang rin. Dahan-dahan na lang siyang naupo malapit sa nakahain na pagkain.

Habang abala siya sa pagpili ng pagkain, lumapit si Tob at tumigil sa harapan niya. 

"Miah" tawag nito, halos pabulong, ngunit sapat para makuha ang atensyon niya.

Miah looked down at her plate, trying to steady her breathing. Di niya alam pero tila bumilis saglit ang tibok ng puso niya nang banggitin nito in such a way ang pangalan ni Miah.

"The heck…" bulong ni Kiara sa sarili.

"Alam mo.." he began, leaning slightly closer, his gaze soft yet intense.

"Hindi sir.." sabi niya habang takam na takam nang tikman ang fried chicken sa harapan niya.

"Well….Honestly, hindi ko lang ginawa 'to para pasalamatan ka. Gusto rin kitang makilala... beyond work"

"Paanong kilala sir?" she asked habang tinutusok na nang fork ang mas malaking fried chicken para kumain na. Sinamahan na rin niya ng fried green tomatoes sa kanyang plato.

"Hindi ko alam kung ano ang iniisip mo tungkol dito_" he continued, his voice now barely above a whisper.

"Pero gusto kong malaman mo, you're more than just someone who works for me. You're someone I want to keep close... not just here, but here." He gestured to his chest, over his heart. Pero di ito napansin ng dalaga kasi nga abala na siya sa pagkain niya.

Yung tipong wala ring kaalam-alam ang binata dahil di siya makakita.

"Miah…..are you listening?" natanong na ng binata nang di na sumagot sa kanya ang dalaga.

"Ah…o_opo sir, hehe" she smiled habang ngumunguya na.

"Hey, kumakain ka na ba?" gulat na tanong nito sa kanya.

"Oo sir….honestly, I'm hungry na rin talaga, kasi nga di pa ako kumakain mula kaninang umaga" sabi nito sa binata na ikinabahala naman nito.

"Really? But….why?" alalang tanong nito sa kanya.

"Hmmm…siguro kasi…teka, bakit nga ba?" mahinang tanong ng dalaga sa sarili, thinking about a reason na hindi patungkol sa pagiging picky eater niya.

"You know what, I've been thinking about this lately pero…kung gusto mo lang ha, if ayaw mo, I'm not forcing you to do it" sabi ng binata habang kinakapa na rin ang fork and spoon para makakain na.

"Bakit, ano ba iyon sir?" curious naman na tanong ni Kiara kay Tob.

"Aside from working here, you'll work for me in the house para tulungan ako sa mga gawaing bahay doon. And….I'll pay you a higher salary para makatulong ka sa parents mo. I've heard na may sakit ang tatay mo so, I'm thinking an alternative way to help you."

Napahinto sa pagkain ang dalaga. 

"Seryoso ka ba sir? You want me to live with you? Sa iisang bahay?" bulong niya sa sarili habang nakatitig sa binata.

"Don't worry, maglilinis ka lang naman doon and magluluto ng pagkain ko. Iyon lang naman kaya hindi masyadong struggle for you in case na tanggapin mo ang offer ko" dagdag ng binata trying to convince her.

Napaisip bigla ang dalaga dahil dito. She can't imagine herself din kasi doing the household chores.

"Pag-iisipan ko muna sir ang about dyan, okay?" 

Sumang-ayon naman ang binata dahil dito.

Matapos ang ilang minutong pagkain at kaonting pag-uusap, umuwi na rin ang dalaga sa bahay nila Miah.

"Bakit ngayon ka lang?" tanong ng nanay ni Miah sa dalaga na nakaabang sa may pinto ng bahay nila.

"Ngayon pa lang po kasi nagsara ang flower shop" tipid na sagot ni Kiara sa kanya. 

Papasok na sana sa kwarto ang dalaga ng pinahinto siya saglit ni Aling Fiona.

"Teka lang, pansin ko lang ha….ba't ang ganda ng kutis mo ngayon? Hindi naman ganyan kakinis ang balat mo ah" nasambit ng nanay ni Miah habang tinitingnan ang dalaga.

"Bakit po, may allergy ba ako sa balat dati?" natanong ng dalaga sa kanya.

"Wala naman pero….kakaiba lang kasi eh…ano bang gamit mong lotion ngayon ha?" nakakunot noo nitong tanong sa kanya.

"Wala po…it's all natural mother. Sige na po't magbibihis na ako't matutulog kasi maaga pa po ako bukas" sabi na lang niya habang dire-diretso nang pumasok sa kanilang kwarto. 

Nabigla naman siya sa nadatnan niya sa kwarto.

"Shooks, ba't nakabukaka ito?" mahinang tanong niya nang makita ang ate ni Miah na nakatulog na. Kumuha na lang siya nang kumot at tinakpan ang nakapencil skirt pang babaita.

 

After niyang maghalf bath, nagbihis na siya't humiga na upang makatulog.

(15 minutes later…)

Nagising siya dahil may lamok na padaan-daan sa tenga niya.

"Bwiset! Stay away from me" pabulong niyang sabi habang tinataboy palayo ang mga lamok. She closed her eyes again pero naglaru-laro ulit ito sa may tenga niya.

"Aish!!! I'm gonna kill all of you if you won't stop" sabi niya na naging dahilan upang magising ang kanyang ate.

"Sssshhhh…huwag kang maingay at baka magising ang baby" tila naalimpungatan pang banggit nito kay Kiara.

"S_sorry" mahina niyang sagot. 

Wala na siyang nagawa kundi balutin ng kumot ang kanyang buong katawan upang di makagat ng mga lamok.

It takes an hour bago siya makatulog but naputol ulit ito nang biglang umiyak ang baby.

"Pambihira…" napakamot siya ng kanyang ulo dahil sa inis. She's really uncomfortable right now kasi nga mainit, malamok at hindi siya makatulog ng maayos.

"I really can't do this….I think I'm gonna die…I'm gonna die here" she murmured habang naglalakad papalabas ng kwarto. Naupo siya bigla sa upuan na gawa sa kahoy at napasandig doon.

Naalala niya tuloy bigla ang offer ng binata sa kanya.

"I guess, I have no other choice. I need to survive Miah for a week. And I'm sure, matutuwa ka naman siguro kapag tinanggap ko ang alok ng amo mo" bulong niya sa sarili.

"Tama….It's the right thing to do." then she sighed.

Tumulala siya saglit until....

"Tuko!!! Tuko!!! Tuko!!!" napalundag siya ng marinig ito mula sa dingding ng bahay.

"What the heck is that?!!! Aaaaahhh!!!" halos mapigtas ang litid ng lalamunan niya nang makaeyes to eyes ang malaking geko sa pader.

"Daddy!" sigaw niya na naging dahilan para magising ang nanay ni Miah.

"Hoy!!! ang ingay mo, ano bang problema?" iritang tanong nito matapos lumabas sa kwarto nilang mag-asawa.

"There's a dinosaur there!" sabay turo niya sa tuko.

"Adik ka ba? Anong dinosaur bang pinagsasabi mo dyan? Matulog ka na nga Miah at wag ka nang maingay" nakapamewang na sabi ni Fiona kay Kiara.

"But..."

"Matulog ka na!"

Dahil dito, agad nang bumalik sa kanilang kwarto si Kiara.

***Kinabukasan***

"My face is so haggard na talaga" reklamo niya habang tinitingnan ang mukha sa salamin. Napansin niya kasing may eyebags na siya dahil hindi na rin siya nakabalik ng tulog kagabi.

"Asaan na ba 'yung amo ko. I need to accept his offer right away at baka magbago pa ang isip niya." she said habang hinihintay ito sa flower shop.

(phone beeps)

From: Greg

Let's have a dinner mamaya. Sunduin kita sa workplace mo.

"Ang kulit din ng isang ito!" she forwarded the message to Miah and texted…

To: Miah

Try to escape. It's up to you how.

Then..she sent it.

"Miah, try to contact this number" nagulat siya when Tob spoke in front of her. Hindi niya kasi napansin ang pagpasok nito kanina lang.

"She'll be here but she needs the location. Kindly send it to her" sabi ng binata.

"Okay po sir." sambit nito matapos abutin ang papel.

"By the way, kumusta na pala ang pakiramdam mo, may ubo ka pa rin ba?" tanong ng binata sa kanya.

"Ah….medyo okay na po ako. By the way nga po pala sir, regarding sa offer mo kagabi? Napag isip-isip na rin ako and..I'm accepting your offer. I'll be your yaya for a while"

Dahil sa narinig, pinilit ng binata na huwag ngumiti. 

"Okay, good. So you'll start na mamayang gabi" he just said bago tumungo sa office niya.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.